Mga dating bise presidente nagsama-sama sa selebrasyon ng Office of the Vice President

0

Dumalo sa ika-siyamnapung selebrasyon ng Office of the Vice President (OVP), ang ilang dating naging pangalawang pangulo ng bansa.

Kabilang dito sina Gloria Macapagal Arroyo at Joseph “Erap” Estrada na nagsilbing bide presidente bago nahalal at naging pangulo ng bansa.

Kasama ni dating pangulong Estrada ang mga anak na sina Sen. Jinggoy at Jude Estrada.

Hindi naman nakarating si dating Vice President Jejomar Binay, pero kinatawan siya ng kaniyang anak na si Mayor Nancy Binay.

Dumalo rin sa pagtitipon ang pamilya at descendants ng iba pang mga dating naging bise presidente ng bansa.

Pinangunahan naman ni Vice President Sara Duterte kasama sina dating pangulong Arroyo at Estrada, ang pagbibigay parangal sa mga natatanging empleyado ng OVP.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *