Bagong EO na nagpapalawak sa tariff exemptions magpapalakas sa access ng Pilipinas sa merkado ng Estados Unidos

0

Sigurado na ngayon ang mas malakas na access sa merkado ng Estados Unidos, para sa mga pangunahing produktong agrikultural na ini-export ng Pilipinas, kasunod ng isang bagong Executive Order (EO) na nagpapalawak sa eksepsyon sa taripa.

Sinabi ni Deparment of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Roque, na ang hakbang ay susuporta sa rural livelihoods at magpapalakas sa tiwala sa agricultural value chain.

Binanggit naman ni Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go, na ang pinalawak na mga pribilehiyo ay magpapahusay sa posisyon ng ekonomiya ng bansa, at lilikha ng mas maraming oportunidad para sa local producers.

Ang nasabing development ay lalong magpapatibay sa ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos, bago ang ASEAN 2026.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *