Mga mag-aaral sa Balanga City, Bataan tinuruan ng hydrophonic farming

0

Courtesy: Balanga LGU

Nakatutok ang local government unit (LGU) ng Balanga City sa pagtururo sa mga estudyante ng tamang pagtatanim para sa masaganang agrikultura.

Sa bagong programa ng LGU ng Balanga ay nakapaloob ang komprehensibong pagsasanay sa mga mag-aaral mula sa Grade 7 hanggang Grade 12 sa Hydroponic Farming.

Courtesy: Balanga LGU

Kasama rin sa pagsasanay ang mga guro mula sa City Of Balanga Science High School.

Ang Hydroponic Farming ay isang soil-free method ng pagpapalaki ng halaman gamit lamang ang Nutruent-Rich Water.

Courtesy: Balanga LGU

Sa pamamagitan nito nagiging mas malusog ang pananim at mas mabilis ang pagyabong.

Malaking tulong ang Hydroponic Farming dahil puwede na rin magtanim kahit sa Urban rooftops at indoor farms.

Courtesy: Balanga LGU

Ayon sa LGU ng Balanga City, patuloy silang magsusulong ng mga ganitong programa para sa mas maunlad na agrikultura sa Bansa.

Manny De luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *