Karapatan ng Pilipinas sa PAGASA Island, dapat nang igiit ng gobyerno- Dela Salle Prof.
Napapanahon na para igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa PAGASA Island.
Kasunod ito ng desisyon ni Pangulong Duterte na pondohan ang mga proyekto para sa pagtatayo ng mga pasilidad at mapaunlad ang kabuhayan ng mga residente doon.
Ayon kay Dr. Renato de Castro, professor ng International Studies sa Dela Salle University,dapat tapatan ng bansa ang pagiging agresibo at ginagawang development ng Vietnam at China sa naturang Isla para maipakita ang presensya ng Pilipinas.
Masyado na aniyang napag-iiwanan ang Pilipinas gayong may desisyon na ang United Nations Arbitral Tribunal na pag-aari ng bansa ang pinag-aagawang mga Isla.
Inihalimbawa ni de Castro ang itinayong airbase ng China sa Mischief Reef na dati ay mga wooden huts lamang noong 1995.
Naniniwala si de Castro na kung magpapatumpik-tumpik ang Pilipinas,hindi malayong maagawng China pati ang PAGASA Island.
“Kailangan stake ang claim marginalized facility mga tao ni wala runway paano masasabi na pag aari natin to kung hindi paninindigan. Tignan ko investment ng china isa na dyan ang Mischief Reef dati 1995 wooden huts ngayon may airbase na”. – Prof. de Castro
