Katarungan para sa sundalong pinugutan ng ASG, tiniyak ng Palasyo

0
sundas

Tiniyak ng Malakanyang na mabibigyan ng katarungan ang brutal na pagkamatay ni Staff Sergeant Anni Siraji sa kamay ng bandidong Abu Sayaf.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malinaw sa militar ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga bandido at huwag silang bigyan ng pagkakataong mabuhay.

Miyembro si Siraji ng 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army na binihag ng Abu Sayaf noong Huwebes habang papunta sa isang peace and development mission sa Patikul, Sulu.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *