Sundalong pinugutan ng ulo ng ASG, nailibing na
Nailibing na si Staff Sergeant Anni Siraji, ang sundalong binihag at pinugutan ng ulo ng Bandidong Abu Sayyaf.
Si Siraji ay miyembro ng 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army na binihag ng Abu Sayaf noong Huwebes habang papunta sa isang peace and development mission sa Patikul, Sulu.
Umaasa ang maybahay ni Siraji na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng sundalong asawa.
Naulila ni Sijari ang kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki.
Si Siraji ay isa ring miyembro ng Islam.
