Kamara, magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga mga housing project ng gobyerno
Tiniyak ni Housing Committee Chairman Albee Benitez na magsasagawa sila ng mas malalim na imbestigasyon sa mga housing project ng gobyerno.
Ayon kay Benitez, aalamin nila ang occupancy rates sa iba pang housing projects ng NHA para malaman kung naseserbisyuhan talaga ng gobyerno ang mga mahihirap na benepisyaryo na pinaglalaanan ng mga pabahay na ito.
Titignan rin aniya nila ang mga contractor, mga lokal na pamahalaan na sangkot sa housing projects at ang collection efficiency ng NHA.
Ang inefficiency ng housing program ng gobyerno aniya ay katumbas ng pagkait ng right to shelter sa lahat.
Dagdag pa ni Benitez na nakakabahala na gumagawa ng housing units ang pamahalaan pero hindi naman nagiging katanggap tanggap sa beneficiaries dahil sa kawalan o kakulangan ng basic services.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo
