Korte Suprema inalis na angTRO laban sa konstruksyon ng Torre de Manila
Tuloy na ang konstruksyon ng kontrobersyal na Torre de Manila na tinaguriang pambansang photobomber.
Sa botong 9-6 , ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng Knights of Rizal noong 2014 na hinihiling na mapagiba ang Torre de Manila dahil sinisira nito ang sightline ng Rizal Monument sa Luneta Park na mahalagang landmark sa bansa.
Dahil dito, binawi na ng Korte Suprema ang TRO na una nang ipinalabas nito noong 2015 na pumigil sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng Torre de Manila.
Ang desisyon ay ipinalabas matapos ang botohan ng mga mahistrado sa en banc session nito sa Baguio City.
Halos dalawang taon ding nahinto ang pagpapatayo ng gusali.
Ulat ni: Moira Encina
