Ilang miyembro ng KADAMAY napilitan lang okupahin ang housing unit sa Pandi, Bulacan
Napilitan lang ang ilang miyembro ng KADAMAY na okupahan ang mga bakanteng housing units sa Pandi Bulacan.
Sabi ni Aling Sally, nauubos lang ang kanilang kinikita sa pagbabayad ng 1500 na upa buwan-buwan.
Inalok lang sila ng KADAMAY na magkakaroon ng libreng bahay pero hindi nila alam na iligal ang gagawing pag-okupa.
“Kung sino raw po ang gustong magkaroon ng bahay sumama kami isa sa mga sinasabi na walang sariling bahay, hihingi kami kay Pangulong Duterte yun lang ang sinabi kapag nagme meeting/ang pinuntahan naming wala talagang nakatira”. – Aling Sally
Reklamo naman ni Aling Leticia, ilang beses na rin silang nag-aplay sa National Housing Authority kahit sa mga low cost housing pero ayon sa NHA, walang bakante at inilagay lang sila sa waiting list.
“Hindi namin alam na ganito pala nag-aplay kami sa NHA hindi kami naaprubahan ngayon may lider lider kami sabi namin kung sila naglalakad at ma aprubahan sasama na kami.” – Aling Leticia
Ang PNP na benipisyaryo ng naturang pabahay, wala ng balak okupahin ang mga housing unit.
Ulat ni: Mean Corvera
