April 28, deklaradong non-working holiday dahil sa ASEAN summit
Idineklara ng Malakanyang na special non-working holiday ang araw ng Biyernes, April 28, 2017.
Ito ay nakapaloob sa proclamation no. 197, kaugnay sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN summit.
Ayon kay Exec. Sec. Salvador Medialdea, mismong ang ASEAN 2017 National Organizing Committee at ang Metro Manila Devt. Committee ang nagsuspinde ng trabaho sa mga tanggapan pribado man o sa gobyerno.
Kaugnay nito, naglabas din ng labor advisory no. 4 ang Department of Labor and Employment para sa kaukulang pasahod sa naideklarang special non-working holiday.
Nakasaad sa labor advisory na kung hindi papasok ang empleyado sa trabaho, iiral ang ‘no work, no pay policy’ maliban na lamang kung may favorable company policy, practice o collective bargaining agreement para sa kabayaran ng special day; kung papasok sa trabaho, may karagdagang 30 percent sa arawang sahod ang empleyado sa unang walong oras at kung may overtime o lalagpas ng walong oras, may dagdag 30 percent sa kanyang hourly rate.