Tourists arrival sa Pilipinas, tumaas – DOT
Pumalo sa 4-year high ang tourist arrivals sa Pilipinas nitong Pebrero.
Batay sa datos ng Department of Tourism, nasa mahigit limandaan at pitumpu’t siyam na libong mga turista ang bumisita sa bansa na katumbas ng dalawampu’t pito punto walumpu’t isang (27.81) porsiyentong pagtaas sa nakalipas na apat na taon.
Mas mataas din ito ng lima punto tatlumpu’t anim (5.36) na porsyento kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Nangunguna pa rin sa mga dayuhang turista sa bansa ang mga taga-South Korea na aabot sa mahigit isandaan at limampung libo (150,000) na dalawampu’t anim (26) na porsyento ng kabuuang tourist arrival sa bansa.
Sinundan naman ito ng Estados Unidos, China, Japan at Taiwan.