Halaga ng Piso kontra Dolyar, bahagyang humina
Bahagyang humina ang halaga ng Piso kontra Dolyar.
Kagabi, nagsara ang palitan ng Piso kontra Dolyar sa 49.78, matapos ianunsyo ni US President Donald Trump ang kanyang tax reform agenda.
Mas mababa ito sa naitalang 49.675 noong Martes.
Samantala, ang isang Canadian dollar ay may halagang 36.62 pesos; ang Japanese yen ay katumbas ng .447 centavos; at ang isang Australian dollar naman ay katumbas ng 37.44 pesos.
Ang isang Hong Kong dollar ay katumbas ng 6.39 pesos, ang isang Saudi Riyal ay katumbas ng 13.25 pesos.
Ang isang Taiwan new Dollar ay katumbas ng 1.65 pesos, habang ang isang Qatari Riyal ay katumbas ng 13.67 pesos.
