Puganteng Chinese arestado sa NAIA

0
naia

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang isang puganteng Chinese na paalis na sana ng bansa.

Kinilala ng BI ang dayuhan na si Weng Wenmin, singkwentay -uno anyos na hinarang sa Immigration Departure area ng NAIA Terminal 3.

Patungo sana ng Hongkong si Weng sakay ng Cebu Pacific flight nang mabatid ng mga immigration officer na nasa watchlist order ito ng BI dahil sa pagiging pugante at undesirable alien.

Ipinaalam ng police attache ng Chinese embassy sa BI na kanselado ang pasaporte ni Weng at wanted sa kanilang bansa dahil sa economic crimes.

Dinala sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang  Chinese habang inihahanda na ang deportation nito.

Ulat ni : Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *