Land deal ng BuCor at TADECO illegal ayon kay Solicitor General Jose Calida

0
tadeco

Illegal at labag sa saligang-batas ang land deal ng Bureau of Corrections at banana firm na Tagum Agricultural Development Company Inc. o TADECO na pagmamay-ari ng pamilya ni Davao del Norte Representative Antonio Floirendo Jr.

Ito ang inihayag ni Solicitor General Jose Calida kasunod ng pag-rebyu sa BuCOR_TADECO deal na hiniling ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Calida, taliwas sa konstitusyon at sa Commonwealth Act 141 ang nasabing joint venture agreement na nilagdaan noon pang 1969 para sa pagpapaupa ng mahigit limang libong ektarya na bahagi ng lupa ng dating Davao Penal Colony o DAPECOL sa TADECO.

Noong 2003, nirenew ang kontrata para sa panibagong 25 taon o hanggang 2029.

Pero sinabi ni Calida na hanggang 2019 lang dapat ito dahil ang DAPECOL sa Panabo City ay lupang pag-aari ng pamahalaan

Sa ilalim ng saligang batas, hindi dapat lumagpas sa 50 taon ang paghawak ng pribadong korporasyon sa mga land of public domain.

Lagpas din aniya sa pinapahintulutan ng konstitusyon na 1000 hectares ang mahigit limang libong ektarya na Davao Penal Colony na sakop ng joint venture agreement ng BuCor at TADECO.

Ayon pa sa SOLGEN, alinsunod sa Public Land Act  ang mga agricultural public land gaya ng DAPECOL ay di dapat pasukin sa pamamagitan ng joint venture agreement.

Bukod dito di dumaan sa bidding ang pagpapaupa sa DAPECOL na  nakasaad sa batas.

Una nang bumuo ng panel ang DOJ na mag-iimbestiga sa kasunduan ng BuCor at TADECO pero hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ang resulta nito.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *