Abril 27, idineklarang Lapu-lapu Day ni Pangulong Duterte
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Lapu-lapu Day, ang Abril 27.
Ayon sa Pangulo, ito ay bilang pagkilala sa kabayanihan ni Lapu – lapu na nanguna sa paglaban sa mga dayuhang mananakop sa battle of Mactan.
Isinasalarawan aniya ni Lapu-lapu ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kalayaan at ang kakayanan ng mga itong makaalpas mula sa anumang pagsubok.