Terrorist group na ISIS, inako ang nangyaring pagpapasabog sa Quiapo Maynila

0
quiapo

Inako ng international terrorist group na ISIS ang pagpapasabog sa isang peryahan sa Quiapo,Maynila noong Biyernes ng gabi na nagresulta sa pagkasugat ng 14.

Sa balita ng isang News Agency, inanunsyo ng grupo ang pag-ako sa nangyari pagsabog sa Quiapo batay sa SITE Intelligence Group.

Una nang sinabi ni PNP chief Director General Ronald ” Bato” dela Rosa  na hindi konektado sa kahit anong terorismo ang nangyaring pagsabog sa nasabing lugar at sinabi nito na gang war lamang ang sanhi ng insidente.

Kaalinsabay nito, pinabulaanan din ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang pag-ako ng ISIS sa pagsabog sa Quiapo.

Sinabi ni Albayalde na maaring para lamang sa kapakinabangan ng grupo ang ginawa nila ng pag aako sa insidente.

Dagdag pa ni Albayalde hindi ito magbibigay ng karagdagang pahayag ukol sa pag-ako ng ISIS sa nasabing pagsabog.

Ulat ni: Earlo Bringas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *