47,000 manggagawa naregular na sa trabaho ayon sa DOLE

0
bello2

Umaabot na sa mahigit apatnaput-pitong libong mga manggagawa na ang naregular sa trabaho mula nang umpisahan ng pamahalaan ang kampanya laban sa endo.

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kabuuang 47,461 ang mga manggagawang naging regular mula July 2016 hanggang nitong April 20, 2017.

Karamihan sa mga ito ay boluntaryong ginawang regular ng kanilang mga employer.

Inamin ng kalihim na may mga employer din na nagtanggal ng mga kawani dahil sa kawalan ng kapasidad na sila ay gawing regular.

Pero agad namang pinagkalooban ng DOLE ng livelihood assistance at tulong para makahanap ng bagong trabaho ang mga empleyadong naalis sa trabaho dahil sa kampanya kontra endo.

Tiwala si Bello na madaragdagan pa ang mga manggagawa na magiging regular sa trabaho bunsod ng mahigpit na implementasyon sa Department Order 174.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *