Plakang Number 6 para sa Cabinet Secretaries, hindi na pinagagamit ni Pang. Duterte

0
number6

Hindi na pinapayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete na gumamit ng espesyal na plaka na may number 6.

Ayon sa Pangulo, ayaw niyang magkaroon ng espesyal na pagtrato sa mga taong gobyerno.

Gayunman, aminado si Pangulong Duterte na hindi niya maaring pagbawalan ang ibang matataas na opisyal ng pamahalaan dahil hindi na ito saklaw ng sangay ng Ehekutibo.

Sa Pilipinas, ang number 1 na plaka ay para sa Presidente,ang  number 2 ay sa Vice President, number 3 naman sa Senate President, number 4 sa House Speaker, number 5  sa Chief Justice ng Korte Suprema, number 6 sa Cabinet secretaries, number 7 sa mga Senador at number 8 sa mga Kongresista.

Bukod sa paggamit ng espesyal na plaka, pinagbabawalan din ng Pangulo ang kanyang gabineteng gumamit ng ‘wang-wang’ sa kalsada.

Paliwanag ng Pangulo, siya mismo ay hindi gumagamit ng ‘wang-wang’ dahil sa nakaabala ito sa ibang motorista.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *