Appointment ni Environment Sec. Gina Lopez, ibinasura na ng CA

0
gina1

 

Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Environent Sec. Gina Lopez

Labing anim na miyembro ng CA ang bumoto ng pabor para tuluyan nang maibasura ang kumpirmasyon ni Lopez habang walo lang ang pumabor dito.

Si Lopez na ang ikalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na na reject ng CA matapos si dating DFA Sec. Perfecto Yasay.

Pero taliwas sa ginawang botohan nang isalang si Yasay na taasan ng kamay, secret voting ang ginamit na proseso ng CA kay Lopez.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *