Ilang kongresista nadismaya sa pagkakabasura ng CA sa appointment ni Lopez

0
lopez1

Labis ang pagkadismaya ng ilang kongresista sa pagkakabasura ng Commission on Appointments sa appointment ni DENR Sec. Gina Lopez.

Nanghihinayang si Buhay Rep. Lito Atienza,  na dati ring DENR Secretary,  sa kakayahan at passion ni Lopez sa pangangalaga sa kalikasan lalo na ngayong malaking problema ang climate change.

Kailangan aniya  ng kagaya ni Lopez sa DENR para may pipigil sa malalaking korporasyon na nagsasamantala sa kalikasan para sa kanilang negosyo. partikular na sa sektor ng pagmimina.

Ayon kay  Atienza, kailangang-kailangan nang patinuin para mapasunod ang mining companies sa panuntunan para sa responsableng pagmimina.

Para naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, dating  chairman ng House Committee on Natural Resources,  malaki ang magiging impact nito sa kanilang laban para maprotektahan ang kalikasan.

Umaasa si Zarate na ang susunod na itatalaga ng Pangulo kapalit ni Lopez ay kagaya nito pagdating sa pagiging seryoso sa adbokasiya para sa kalikasan at lalaban rin sa mining industry.

Si Kabayan Partylist Rep. Harry Roque naman umaasang kahit hindi naconfirm ng CA ay ipagpapatuloy pa rin ni Lopez ang kanyang makakalikasang adbokasiya.

Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *