Chamber of Mines of the Philippines, natuwa sa pagkakabasura ng appointment ni Lopez

0
chamber

Nagpasalamat ang Chamber of Mines of the Philippines, sa pagkakabasura ng kumpirmasyon ni DENR Secretary Gina Lopez sa Commission on Appointments.

Sa panayam ng Saganang Mamayan sinabi ni Atty. Ronald Recidoro, Vice-President for Legal and Policy ng Chamber of Mines of the Phillipines , sa ngayon ay kinakailangan ng bansa ng kalihim na nakakaintindi at balanse ang pananaw sa environment issue.

Kaya naman umaapela sila sa Pangulo na ang italagang Kalihim sa Department of Environment and Natural Resources ay may solidong kaalaman sa pamamahala sa kalikasan.

Kasabay nito sinabi ni Recidoro na simula pa lamang ito ng kanilang laban kung saan kailangang i-improve ang mining industry at iparating sa nakakarami ang mabuting idudulot ng mga minahan.

Dagdag pa ni Recidoro ang pagkakaroon ng minahan sa lokal na komunidad ay nagreresulta ng progreso ng ekonomiya kung saan pumapasok ang maraming produkto at serbisyo na mula sa minahan, bukod pa sa buwis na nakukuha ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *