Pagkabasura ng appointment ni Lopez, ikinabahala ng isang kongresista
Nangangamba si Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao na agad mabaligtad ang mga reporma ni Sec. Gina Lopez sa DENR kasunod ng pagbasura ng Commission on Appointments sa kanyang appointment.
Partikular na ikinaaalarma ni Casilao ay ang mabago agad ang utos ni Lopez na nagpahinto sa operasyon ng mga iresponsableng mining corporation.
Kaya naman panawagan ng kongresista sa publiko na bantayan ang magiging galaw ngayon sa DENR para hindi mabalewala ang repormang napasimulan ni Lopez.
Umaapela naman si Casilao sa sinumang ipapalit kay Lopez sa DENR na pangibabawin ang interes ng publiko.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo