Bilang ng mga Pinoy na pabor sa Death Penalty Bill, bumaba ayon sa Pulse Asia survey

0
death3

Bumaba na ang bilang ng mga Filipino na nais na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Batay ito sa resulta ng survey na ginawa ng Pulse Asia mula noong March 15 hanggang 20.

Sa resulta ng survey, 67 percent na lang ng mga Pinoy ang nais na maibalik ang death penalty.

Bumagsak ito ng 14 points mula sa kaparehong survey noong July 2016 na 81 percent.

Pinakamalaking porsyento ng ibinagsak o tumanggi na maibalik ang bitay ay naitala sa Luzon Region.

Pero sa mga kinunan ng survey na pumabor sa Death Penalty, sinabi ng mga ito na maaring ibalik ang bitay sa mga kasong rape na umabot sa 97 percent, pagpatay 88 percent at drug pushing 71 percent.

Pabor din ang mga ito na ibalik ang bitay sa mga kasong kidnap for ransom at plunder.

Sa isinusulong naman na panukala sa Kongreso na ibaba ang edad ng mga batang maaring sampahan ng kaso, 55 percent ng mga kinunan ng survey ang nagsabing dapat ipako ito sa labinlimang taong gulang.

Pinakamalaking porsyento ng mga tumututol ay naitala sa Luzon Region na umabot sa 63 percent o 47 percent sa buong Metro Manila.

Pero kung ibaba pa ang minimum age ng maaring sampahan ng criminal liability, 20 percent ang nagsabing dapat hanggang labindalawang taong gulang lamang.

Sa ngayon, pasado na sa Kamara ang death penalty pero wala pa itong tiyansa kung makakalusot sa Senado.

Mayorya sa mga Senador ang ayaw sa parusang bitay.

Nauna nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na patay na ang Death Penalty Bill sa Senado katunayang hanggang ngayon ay hindi pa ito napagdedesisyunan sa committee level.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *