CHR binatikos ng Malakanyang sa pagiging selective

0
chr1

Kinastigo ng Malakanyang ang Commission on Human Rights sa pagiging selective sa mga ini-imbestigahang kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo  halatang-halata na kapag kalaban ng gobyerno ang napapatay ay agad na pumapasok ang CHR.

Samantala, kung ang mga biktima ay mga sundalo at pulis na mamamatay in line of duty ay hindi nakikialam ang CHR.

Ayon kay Panelo isang halimbawa dito ay ang pagkakapatay  sa Abu Sayaff na si Saad Samad Kimir na naaresto sa Tubigon Bohol na nanlaban sa mga pulis at nagtangkang tumakas.

Inihayag ni Panelo dapat maging patas ang CHR upang hindi mapag-isipang bias sa pagtupad ng kanilang mandato.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *