M/V Amazing Grace ng PRC, pasisinayaan ni Pang. Duterte

0
amazing grace1

Pasisinayaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong barko ng Philippine Red Cross na M/V Amazing Grace.

Iito ang kauna-unahan at humanitarian vessel na gagamitin ng ahensya bilang ambulansya at disaster response ship.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, dahil sa nasabing vessel ay lalong mapapabilis ang kanilang serbisyo at  ang pagdating ng mga relief good sa mga apektadong lugar.

Kayang magdala ang nasabing barko ng 120 pasahero, 20 sasakyan na may capacity na magdala ng 35 tonelada.

Ang 195 talampakan na prototype vessel ay dating pag-aari ng Matanuska-Susitna Borough na matatagpuan sa Alaska.

Ginawa ito noong 2010 at hindi pa ito nagagamit commercially.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *