Mga Senador umaasahang hindi maapektuhan ang iba pang kaso ni Janet Napoles matapos absweltuhin ng CA
Naniniwala ang ilang Senador na hindi maapektuhan ng desisyon ng Court of Appeals ang iba pang kaso ni Janet Napoles na may kaugnayan sa pork barrel scandal.
Ayon kay Senador JV Ejercito dapat panagutan ni Napoles ang mga anomalya sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund o pork barrel ng ilang mambabatas.
Malaking pondo aniya ang nawala sa kaban ng bayan dahil sa anomalya sa PDAF.
Samantala ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson dapat ay matutukan ang mga kaso ni Napoles para malaman kung talagang malalakas ang mga ito taliwas sa sinasabi ni Solicitor General Jose Calida na mahihina ang mga ito.
Dapat aniyang maging malinaw kung maari pang iapela sa Korte Suprema ang naging desisyon ng Court of Appeals sa serious illegal.detention case na kinaharap ni Napoles.
Ulat ni: Mean Corvera