Mga insidente ng pagsabog sa Quiapo hindi dapat ituring na isolated case
Kinontra ni Buhay Partylist Rep. at dating Manila Mayor Lito Atienza ang deklarasyong isolated incident at walang kinalaman sa terorismo ang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila noong Sabado.
Giit ni Atienza, hindi na isolated ito dahil tatlo na ang magkakasunod na bombing incident sa Quiapo.
Mahirap aniyang basta paniwalaan na wala itong kinalaman sa terorismo dahil ang mga insidente ng pagsabog ay nangyari sa Quiapo na sentro ng Maynila na capital naman ng Pilipinas.
Mungkahi ng dating alkalde, dapat buhayin ang peace keeping force na binubuo ng kabataang Muslim para sila mismo ang magbantay ng peace and order sa kanilang komunidad sa pakikipagtulungan sa mga pulis.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo
