Misis ng mga inmate planong mabigyan ng suporta sa pamamagitan ng Solo Parent Act
Plano ng Bureau of Jail Management and Penology na ipatupad ang panukalang Solo Parent Act para sa mga misis na ang kanilang asawa ay nakakulong.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni BJMP Chief Serafin Barretto Jr. sa pamamagitan ng Republic Act 8972 makakakuha ng Health, Education at Housing program ang mga mahihirap na pamilya ng isang nakakulong.
Layon ng Solo Parent Act na mabigyan ng suporta ang mga anak at misis ng isang lalaking nakabilanggo kaya ang misis ang naghahanap buhay para sa kanilang pamilya.
Dagdag pa ni Barreto , mayroon din silang isinusulong na college education program na nagsimula na sa Davao.
Bukod sa katie-up na paaralan, binibigyan din ng pagkakataon ang isang inmate na qualified magturo na makapagturo.
Ulat ni: Marinell Ochoa
