Dutertenomics naibenta ng economic managers ni Pang. Dduterte sa World Economic Forum sa Cambodia ayon sa Malakanyang
Ipinagmalaki ng mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakita ng mga dumalo sa World Economic Forum sa Cambodia kung ano ang economic agenda ng Pilipinas sa pamamagitan ng Dutertenomics.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade nalaman ng mga dumalo sa World Economic Forum na maraming oportunidad sa Pilipinas para magpasok ng negosyo lalo na sa larangan ng imprastraktura.
Ayon kay Tugade naipaliwanag ng mga economic manager ang kampanya ni Pangulong Duterte sa peace and order lalo na sa giyera laban sa ilegal na droga para mapawi ang agam-agam ng mga mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.
Inihayag ni Tugade na magkakaroon lamang ng economic developments sa bansa kung matatag ang seguridad at kapayapaan.
Iginiit din ni Socio Economic Secretary Ernesto Pernia na ang ten point economic agenda ng Dutertenomic ay nakaangkla sa pagkakaroon ng peace and order sa bansa kaya ganun na lamang ang hangarin ng Pangulo na bakahin ang ilegal na droga na ugat ng ibat-ibang krimen.
Ulat ni: Vic Somintac