Mga Senador pinakalma ang publiko sa posibilidad ng Military Junta

0
escudero2

Pinakalma ni Senador Francis Escudero ang publiko sa pangambang Military Junta kasunod ng pagtatalaga ng Pangulo sa mga retiradong opisyal ng militar para maging miyembro ng kaniyang gabinete.

Sa mga pagharap sa publiko ng Pangulo, madalas nitong ibinababala ang pagdedeklara ng Martial Law kapag hindi naresolba ang problema sa kriminalidad dulot ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Pero ayon kay Senador Francis Escudero, hindi na dapat bigyan ng malalim na kahulugan ang pagbanggit ng Pangulo sa Junta.

Bukod sa prerogative ng Pangulo ang sinumang magiging miyembro ng kaniyang gabinete, itinalaga aniya sila ng Pangulo sa pwesto batay sa kanilang kakayahan, experience at track record.

Inihalimbawa ni Escudero si General Roy Cimatu na nakilala lang ng Pangulo nang bumsita sya sa Middle East kung saan nakita niya ang kakayahan nito na makatulong sa reporma sa gobyerno.

“Pagdating naman sa mga miyembro ng AFP, nakita narin nating ginawa ‘yan ni Pangulong Aquino, ni Pangulong Arroyo, at ng mga iba pang Pangulo dahil nga malawak din naman ang karanasan nila lalo na yung mga naging heneral, lalo para chief of staff “. – Sen. Escudero

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *