Vacancy rate sa mga mall sa Metro Manila, tumataas
Patuloy ang pagtaas ng vacancy rates at rental rates sa mga shopping mall sa Metro Manila.
Ayon kay Colliers Research Manager Joey Roi Bondoc, nababawasan na ang uniqueness ng mga shopping mall dahil pare-pareho na ang mga itinitinda.
Paliwanag ni Bondoc mas makaka-enganyo ng mamimili kung iba’t ibang klase ng tindahan ang makikita sa isang mall.
Dagdag pa ni Bondoc tumataas ang vacancy rate sa lahat ng klase ng mall habang sa mga malalaking mall naman ay full occupancy na umaabot sa 97%-99%.
Tumaas naman ng 7% ang vacancy sa mga maliliit na mall sa Metro Manila.
Ulat ni : Carl Marx Bernardo
