Yaman ni Pangulong Duterte tumaas ng ₱3M batay sa kanyang SALN

0
digong2

Umaabot na sa mahigit 27 milyong piso ang kabuuang yaman ni Pangulong Duterte mula sa dating mahigit 24 na milyong piso batay sa kanyang isinumiteng Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.

Batay sa kanyang SALN tumaas ang kayamanan ng Pangulo ng mahigit 3 milyong piso mula ng maupo ito bilang presidente ng bansa.

Idineklara rin ng Pangulo sa kanyang SALN na mayroon siyang liabilities na isang milyong piso sa isang nagngangalang Samuel Uy na nagbigay din sa kanya ng campaign comtribution na 30 milyong piso noong halalan.

Mayroon ding kabuuang mahigit 18 milyong pisong cash na naka-deposito sa kanyang bank accounts.

Nagmamay-ari din ang Pangulo ng ilang properties na kinabibilangan ng isang Volksvagen sedan na nabili niya noong 1978 at 1996 model ng Toyota RAV 4.

Inilista din ng Pangulo sa kanyang SALN ang 7 kamag-anak sa gobyerno na kinabibilangan nina Mayor Saraj Duterte Carpio, Vice Mayor Paolo Duterte.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *