Malakanyang tiwalang hindi magtatagumpay ang impeachment laban kay Pangulong Duterte
Naniniwala ang Malakanyang na maibabasura lamang ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang sapat na batayan ang impeachment complaint na isinampa ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Abella alam ng mga mambabatas lalo na sa panig ng complainant na isang political proceedings ang impeachment at numero ang magpapasya.
Inihayag ni Abella na nasa kamay ng mga kongresista ang pagpapasiya sa pagdetermina kung may sapat na porma at sustansiya ang impeachment complaint laban sa Pangulo.
Sa ngayon ay isinalang na ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban sa Pangulo para madetermina kung may sapat na porma at sustansiya ang kaso para umusad ang impeachment case at kalaunan ay maipasa sa Senado ang article of impeachment para sa kaukulang paglilitis.
Ulat ni: Vic Somintac