Congressman Gary Alejano malayang idulog sa ICC ang nabasurang impeachment ayon kay Pangulong Duterte

0
digo

Hindi hahadlangan ni Pangulong Duterte si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na idulog sa International Criminal Court ang nabasurang impeachment na kanyang inihain sa mababang kapulungan ng kongreso.

Sinabi ni Pangulong Duterte na umiiral ang demokrasya sa bansa kaya walang hahadlang kay Congressman Alejano sa balak nitong dalhin sa ICC ang kanyang reklamo.

Ayon sa Pangulo kalokohan lamang ang nilalaman ng impeachment complaint ni Alejano kaya naibasura ito sa House Committee on Justice.

Inihayag ng Pangulo na paulit-ulit na lang na binubuhay ang isyu sa umano’y extra judicial killings na kanyang kinasasangkutan.

Niliwanag ng Pangulo na Mayor pa lamang siya ay inimbestigahan na siya ng Commission on Human Rights na pinamumunuan noon ni Senadora Leila de Lima ganun din ang Senado ay nag-imbestiga na rin kasama nina de Lima at Senador Antonio Trillanes.

Iginiit ng Pangulo na wala namang napatunayan ang mga nag-imbestiga sa isyu ng extra judicial killings na umano’y kanyang kinasasangkutan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *