Paggamit ng Waze o GPS-based geographical navigation application program, bawal na- DOTr

0
waze

Bawal  na  ang paggamit ng Waze o GPS-based geographical navigation application program na ginagamit ng mga TNVS o Transport Network Vehicle Service tulad ng Uber at Grab habang nagmamaneho.

Batay ito sa Implementing Rules and Regulations o IRR na itinakda ng Department of Transportation para sa Anti-Destructive Driving law na  ipatutupad bukas, May 18, 2017.

Paglilinaw ni Land Transportation Office Chief Edgar Galvante, kung hindi maiiwasan na gamitin ng mga motorista ang mga naturang application ay kailangan nilang tumabi muna ng kalsada para iwas-disgrasya.

Lahat aniya ng mga sasakyan maliban sa ambulansiya ay saklaw ng batas pati na ang mga naka-diplomatic plate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *