Listahan ng mga kolehiyo at unibersidad na may tuition fee hike,ilalabas ng CHED ngayong araw
Posibleng ilabas na ngayong araw ng Commission on Higher Education ang mga unibersidad at colleges na magtataas ng kanilang mga tuition and other fees.
Ayon kay CHED Chairperson Patricia Licuanan, kinukumpleto pa nilang lahat ang mga listahan ng mga unibersidad at kolehiyo na mayroong pagtaas sa mga bayarin.
Ilalabas din ang guidelines para sa nasabing tuition policy na ipapatupad ngayong taon.
Noong nakaraang taon ay mayroong 304 sa kabuuang 1,659 Private Higher Education Institutions ng fee increase.