Sec. Judy Taguiwalo, kinastigo ni Senador Lacson sa pagmamaktol dahil sa naantalang pagsalang sa CA
Kinastigo ni Senador Panfilo Lacson ang pagmamaktol ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo matapos maunsyami ang ikalawang pagsalang sa Commission on Appointments.
Sa kanyang mensahe sa twitter account, inakusahan ni Taguiwalo ang CA na sinasadya ang pagdelay sa kanyang confirmation.
Sabi ni Taguiwalo, tila sinasaktan at tinorture siya ng makapangyarihang komisyon.
Pero sabi ni Lacson, may dahilan naman kaya naipagpaliban ang pagsalang nito sa confirmation hearing kahapon
Naubusan aniya ang oras ng CA sa pagdinig sa appointment ng ilang ambassador at foreign service officials kasama na si Health Secretary Paulyn Ubial.
Nagbanta si Lacson na babawiin ang suporta pabor sa kumpirmasyon ni Taguiwalo dahil sa hindi magandang inaasal nito laban sa CA.
Maging ang mga CA member na sina Senators Franklin Drilon at JV Ejercito ay nagsabi din na hindi naman sinasadya na madelay ang proseso ng pagkumpirma kayTaguiwalo.
“Hindi naman pwedeng diktahan yung Commission dahil nandyan siya uunahin sya, paano naman yung ibang nauna, kung ganyan ang attitude ng nominee or appointee while i manifested a support baka magbago pa isip ko”. – Sen. Lacson
Ulat ni: Mean Corvera
