Public Attorney’s Office hiniling na sa Manila RTC na iutosang paglaya ni Lt Col. Ferdinand Marcelino

0
marce

Kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na nag-isyu na ng release order ang Manila Regional Trial Court para sa paglaya ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at ng Chinese na kasamahan nito na si Yan Yi Shou.

Ito ay kasunod ng kautusan ng DOJ na iurong na ang illegal drug case laban kay Marcelino dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Si Marcelino ay nakakulong sa Camp Aguinaldo habang si Yan ay nakakulong naman sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Acosta, ipinalabas ang release order ni Manila RTC Branch 49 Presiding Judge Daniel villanueva.

Una na ring naghain sa Manila RTC ng mosyon ang PAO para makalaya na mula sa kulungan sina Marcelino at Yan matapos paboran ng DOJ ang kanilang petition for review.

Naniniwala ang DOJna  bahagi ng pagganap nila sa kanilang trabaho kaya nadatnan ng PNP at PDEA sa shabu lab sa Sta. Cruz Maynila sina Marcelino at Yan.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *