South Korea binigyan ang PAGASA ng $4 million para sa ikagaganda ng mga kagamitan nito
Binigyan ng Korea International Cooperation Agency ng $4 million na pondo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o (PAGASA) para pagandahin ang mga kagamitan.
Ayon sa KOICA sakop ng perang binigay ang development at installation ng receiving system ng meteorological satellite at ang provision ng equipment para sa data reception at analysis sa limang magkakaibang project sites ng PAGASA sa buong Pilipinas.
Naging posible para sa PAGASA na magkaroon ng Communication, Ocean & Meteorological Satellite (COMS) Analysis System dahil sa perang binigay ng KOICA.
Kasama sa proyektong ito ang technology transfer ng satellite data analysis, sharing ng technical know-how ng Korean experts at training ng PAGASA personnel sa mga natural disaster.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa na madalas tamaan ng climate change at malalakas na mga bagyo.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo