DOH, hinimok ng isang kongresista na maglunsad ng epektibong information campaign kaugnay ng smoking ban

0
smoking

Pinayuhan ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Health na maglunsad ng mas kumbinsidong information campaign para mas mahikayat ang publiko na sumunod sa smoking ban.

Paliwanag  ni Vargas dapat paigtingin ng DOH ang kanilang kampanya ukol sa smoking ban at siguruhing makakarating ito sa lahat.

Maaari rin aniyang makipagtulungan angDOH sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa implementasyon ng smoking ban.

Partikular na tinukoy nito ang  DILG, DOTr, DEPED, DTI at PNP para masiguro na ang bubuuing implementing rules and regulation ay epektibong maipapatupad.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *