OFW’s na nabigyan ng amnesty ng Saudi government umaabot na sa mahigit 1,000
Umaabot na sa mahigit isang libo ang mga nakauwing undocumented OFW’s sa Pilipinas sa ilalim ng amnesty program ng Saudi Arabia government na “nation without violations”
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac, mayroon pang inaasahang 4,000 hanggang 5,000 na amnesty availees ang magbabalik sa bansa hanggang sa June 29.
Ang nasabing bilang ng mga OFW’s ang nagparehistro para sa 90-day amnesty program ni King Salman Bin Abdulaziz Al Saud.
Mayroon na rin aniyang 2000 OFW’s ang nabigyan na ng exit visas.
Ang pinakahuling batch na dumating ay binubuo ng 147 OFW’s mula sa Riyadh.
Ulat ni : Moira Encina
