Pilipinas posibleng hindi makipaggiyera sa China – Prof. Casiple
Posibleng hindi makipaggiyera sa China ang Pilipinas dahil sa maraming proyekto na ang napagkakasunduan ng dalawang bansa .
Ito ang inihayag ng Political Analyst na si Ramon Casiple sa panayam ng programang Liwanagin Natin.
Gayunman , hindi parin aniya dapat isantabi ang posibilidad na magkaroon ng giyera sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ay dahil sa marami ang umaangkin sa West Philippine Sea kaya hindi maiiwasang makipaggiyera ang Pilipinas sa iba pang claimant para ipagtanggol ang ating karapatan.
“Mayroong posibility kasi ang pinag aawayan natin territorial claims ang tawag dyan ay soverenity eh pag soverenity talagang naggigiyera yan kung di ka marunong maghandle at the same time I doubt kung ganun kalaki ang usaping na yan kasi nga nagliligawan tayo at ang China. Marami tayong pinag uusapan na mga common project and etc at nagsimula na tayo ng proseso sa pag uusap ng mga claims na yan”. – Casiple
Dagdag pa ni Casiple , mahirap na usapin ang territorial claims kaya posibleng parehong gagawa na lamang ng hakbang ang China at Pilipinas para magkaroon ng ibang pag uusap na maaring pagkasunduan ng magkabilang panig.
“Mahirap talagang magkaisa sa usapin ng territorial claim na kahit ilang henerasyon yan hindi matatapos yan. In the meantime eh mag usap tayo sa mga usapin na pwede tayong magkaisa na pwede naman nating ihandle na hindi tayo maipit sa isang isyu lang at hindi mo na makita ang kabuuang historical relation sa China na actually its very broad”. – Casiple
Ulat ni: Marinell Ochoa
