NBI papasok na rin sa imbestigasyon sa pagpatay ng isang piskal sa Caloocan

0
nbi5

Papasok na rin ang NBI sa imbestigasyon sa pagpatay ng isang piskal sa Lungsod ng Caloocan.

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Erickson Balmes na nagpadala na ang NBI ng team sa pinangyarihan ng pag-ambush kay Prosecutor Diosdado Alarcon.

Batay sa mga inisyal na ulat, inabangan ng mga nakamotorsiklong suspek si Azarcon paglabas ng bahay nito sa 9th Avenue kanto ng Galauran Street, Brgy 63 sa Caloocan City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at balikat ang piskal.

Inaalam naman ng DOJ kung may mga kontrobersyal na kasong hinawakan si Azarcon na posibleng motibo sa pagpaslang dito.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *