Mga senador, hindi exempted sa National Smoking Ban – Sen. Pimentel
Hinimok ni Senate President Koko Pimentel ang mga kapwa Senador na sumunod sa Nationwide Smoking Ban na iniutos ng Malacanang.
Sinabi ni Pimentel na hindi exempted ang mga Senador sa smoking ban at batid niyang maraming Senador ang naninigarilyo sa loob ng kanilang tanggapan.
Hihingi rin ng clarification ang Senate President partikular sa usapin ng smoking areas dahil hindi niya sigurado kung angkop ang mga smoking area sa Senado sa itinakda ng Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte.