Benham Rise, pinalitan na ng pangalan ng Malakanyang ginawa na itong Philippine Rise

0
benham

 

Inilabas na ng Malakanyang ang Executive Order o EO na magpapalit sa pangalan ng Benham Rise.

Sa pamamagitan ng EO 25 ang dating Benham Rise ay tatawagin na ngayong Philippines Rise.

Matatandaang sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anibersaryo ng Philippine  Army noon  sa Fort Bonifacio, nagpahayag nito ng pagnanais na palitan ang Benham Rise ng Philippine Rise.

May sukat na tatlong milyong ektarya ang nasabing talampas o plateu na matatagpuan 250 kilometro sa Silangang bahagi ng Dinapigue sa lalawigan ng Isabela.

Sinasabing mayaman sa mineral at oil deposits ang tinagurian ding Benham plateu na nais patayuan ng Pangulong Duterte sa Philippine Navy ng mga istraktura.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *