10 dayuhan inaresto ng NBI dahil sa illegal extraction ng mineral sa Zambales
Sinampahan ng NBI ng reklamo sa piskalya ang sampung dayuhan na sangkot sa illegal extraction ng mga mineral sa San Felipe, Zambales.
Reklamong paglabag sa Section 103 o Theft of minerals sa ilalim ng Philippine Mining Act ang inihain laban sa 9 na Chinese at isang Indonesian
Inaresto ng mga operatiba ng NBI-Environmental Crime Division ang mga dayuhan dahil sa paghahakot ng lahar sand sa bahagi ng Macolcol River sa San Felipe, Zambales nang walang kaukulang environmental permits mula sa pamahalaan.
Bukod sa lahar, sinasabing iligal din ang pagkuha ng mga ito ng black sand sa Zambales na ibinebenta sa foreign markets.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang dredger vessel, isang tugboat at tatlong dumb barge.
Ulat ni: Moira Encina
