Pagpapalakas ng bilateral trade ng Pilipinas at Russia, tututukan ni Pangulong Duterte sa kaniyang official state visit

0

Lumipad na patungong Russia si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa maraming mga negosyanteng Pinoy, kasama rin sa delegado ng pangulo sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, dating Senate President Manny Villar, Sec. Salvador Panelo, Sec. Martin Andanar, dating Speaker Sonny Belmonte, SSS Chairman Amado Valdez at Cong. Harry Roque.

Kasama rin sa byahe sina dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at PCO Asec. Mocha Uson.

Sa kanyang pre-departure speech sa Davao City International Airport, sinabi niya na umaasa siyang mapapatatag ang mga areas of cooperation partikular ang Bilateral Trade sa pagitan ng Russia at Pilipinas.

Sa Moscow ay makakapulong ng pangulo si Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitri Medvedev.

Haharap rin ang pangulo at ang kanyang delagado sa ilang mga Russian business leaders at sa Filipino community doon.

Matatapos ang official visit ng pangulo sa Russia sa Biyernes, Mayo 26.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *