Senado ipinagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga kapalpakan sa kontrata ng MRT
Ipinagpapatuloy ngayon ng Senate Committee on Public Services ang pagdinig sa mga nangyayaring kapalpakan sa Metro Rail Transit o MRT.
Kasama sa nga ipinatawag ng komite na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe si dating MRT General Manager Al Vitangcol.
Ito’y para magpaliwanag sa mga pinasok na kontrata ng MRT kasama na ang maintenance na nauna nang sinabi ni dating DOTC Sec. Emilio Abaya at minana niya lang sa dating kalihim na si Secretary Mar Roxas.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, humingi naman ng paumanhin si DOTC Undersecretary for Rails Ceasar Chavez sa publiko dahil sa patuloy na pagtirik ng MRT.
a tingin niya walang expertise ang DOTCnoon para i-operate at magmintena ng MRT3.
Kung sila ang masusunod dapat iterminate na ang maintenance contract sa Busan dahil sa paulit ulit na kapalpakan sa serbisyo ng MRT.
Ulat ni: Mean Corvera

