Pangulong Duterte handang palawigin ang Martial Law declaration sa Mindanao
Nakahanda si Pangulong Duterte na hingin ang basbas ng kongreso na palawigin pa ang naunang 60 day declaration ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ay kung hindi pa rin huhupa ang kaguluhan sa Marawi City.
Ayon sa Pangulo, kakausapin niya si Senate President Aquilino Pimentel na isa ring taga-Mindanao.
Una nang inatasan ng Pamgulo ang pulis at military na mag-impose ng curfewsa ilang bahagi ng Mindanao para hindi na lumawak ang paghahasik ng karahasan ng mga teroristang grupo.
