Pangulong Duterte nagpatawag ng special cabinet sa Panacan Davao kaugnay ng Martial Law sa Mindanao
Nagpatawag ng special cabinet meeting si Pangulong Duterte sa Panacan Davao City kaugnay ng umiiral na Martial law sa Mindanao.
Nais ng Pangulo na magkaroon ng assessment sa tinatakbo ng military operations sa mga teroristang Maute group na umukopa ng mga government installation sa Marawi City.
Bibigyan ng security briefing ang Pangulo ng mga military commanders sa pangunguna ni AFP Chief of Staff General Eduardo Ańo na siyang itinalagang implementor ng Martial law sa Mindanao.
Maaring pag-usapan sa special cabinet meeting ang posibleng pagpapalawak ng Martial law sa Visayas gaya ng pahayag ng Pangulo pagdating galing ng Russia.
Ulat ni: Vic Somintac